Tongkat ali

super charge your manliness

banner1 banner2 banner2

Ang Pinakamahusay na Tongkat Ali na Iyong Mabibili: Kapeng Tongkat Ali, Pinulbong Katas, mga Kapsula o Sariwa?

Dati, akin ng naisulat ang tungkol sa kung ano ang dapat mong alamin bago bumili ng Tongkat Ali sa  http://tongkatali.ph/ano-ang-dapat-mong-alamin-bago-bibili-ng-tongkat-ali. Itong impormasyon ay napakaimportante sa dahilang mayroong napakaraming kontrobersiya hinggil sa mga pekeng produkto. Gayunpaman, ang pagtutugon sa mataas na pamantayan ng kalidad at kapuruhan ay isang bahagi lamang ng kung bakit epektibo ang Tongkat Ali. Bilang karagdagan,  dapat mong pagtuunan ng masusing pansin kung anong uri ng produkto ng Tongkat Ali ang iyong bibilhin at ang dami ng Tongkat Ali na iyong kinokonsumo sa bawat dosis. Mayroong mga iilang produkto ng Tongkat Ali tulad ng kape, mga katas, mga tabletas at mga pinagtapyasan mula sa sariwang gamot. Tingnan natin ng mas mabuti kung alin sa mga ito ang mas mabisa. Sariwang Tongkat Ali Sa iilang mga pamilihan, lao na doon sa mga nagbebenta ng mga kaugaliang gamot, maaari mong masaksihan na nabebenta ang Tongkat Ali bilang mga pinagtapyasan. Ganito kung paano ginagamit ang Tongkat Ali ng ilang mga siglo para madagdagan ang libido at pangkalusugang sekswal sa mga kalalakihan (at kababaihan din). 3-5-g ng mga pinagtapyasan ay ibinababad sa tubig ng hindi bababa ng 3 oras (ang inirerecomenda ay 12 oras). Pagkatapos, ang naibabad na mga pinagtapyasan at tubig ay dahan-dahang ilalaga ng karagdagan pang 20-30 minuto. Ang kinalabasang “tsaa” ay ginagamit bilang isang gamot na pampalakas sa kalusugan. Habang ito ang pinakamatandang pamamaraan, ito ay maaaring hindi maging ang pinaka-epektibo o pinakaakma. Una sa lahat, ang paggawa sa paghahanda ay matagal, at kakailanganin mo pa ng 4 na tasa sa isang araw para sa iilang mga linggo upang mapansin ang mga epekto. Marahil para sa karamihan ng mga tao, ang pinakamahirap na bahagi ay ang kayanin ang lubhang napakapait na lasa ng Tongkat Ali kung saan ito kilala. Tongkat Ali na Kape Ang kapeng Tongkat Ali ay tanyag sa iilang mga bansa sa Timog Silangang Asya tulad ng Malaysia. Itong kape ay nakukunsumo ng nakakarami dahil sa espesyal na lasa, bagaman ang di-umano’y mga  sekswal na benepisyong pampalakas ay isang magandang karagdagan. Ang problema sa karamihan ng mga komersyal na paghahanda ay bibihira (kung kailanman) nilang tukuyin ang dami ng Tongkat Ali sa bawat dosis. Ang palagay ko rito ay, ito’y napakababa (sapat lamang upang mabigyan ang kape ng espesyal na lasa) at katulad lamang ng tsaang Tongkat Ali na gawa mula sa mga pinagtapyasan, kakailanganin mong marahil ang maraming tasa bawat araw para sa mga sekswal na benepisyo. Kapag ikaw ay sa katunayang uminom ng ganoon karami, maaari mong mapansin ang karagdagang tibay at walang kapahingahan, bagaman ito’y naging epekto malamang sa halip ng kape. Katas ng Tongkat Ali (tutunawing pulbos) Paminsan-minsan, maaari kang makakakita ng pulbos na Tongkat Ali bilang isang tutunawing katas na ihahalo mo sa tubig. Wala masyadong maraming mga kumpanya na nagbebenta ng Tongkat Ali sa ganitong paraan, at sila’y kadalasang nagkakaloob ng parehong pulbos sa mga kapsula (inilalarawan sa ibaba). Ang pagkakaroon ng Tongkat Ali bilang pinulbong katas ay mas akma dahil ikaw ay makakatipid ng oras sa paghahanda kung ihahambing sa tradisyunal na tsaa. Gayunpaman, ang mapait na lasa ay naiiwan, dahilan na halos maging imposible sa iilang mga lalaki na makitungo rito. Itong mga pulbos ay kalimitang mas murang alternatibo sa mga kapsula, subalit  lubos kong inirerekomenda ang pagbayad ng konting karagdagan para maiwasan ang kapaitan. Mga Kapsula ng Tongkat Ali Ito marahil ang pinakakariniwang pamamaraan ng pagkonsumo ng Tongkat Ali sa mga panahong ito. Hindi lamang ito akma, ngunit isa rin itong malaking kaginhawaan para sa mga tulad natin na hindi makayanan ang matinding lasa ng kapaitan. Higit sa rito, iilang mga paghahanda ng katas ay purung-puro, dahilan na maging napakaepektibo pa sa mga mababang dosis. Gayunpaman, marapatin kong sasabihin, na karamihan sa mga katas ng Tongkat Ali sa merkado ay hindi purung-puro (at madalas may halo), na hindi ko personal mairerekomenda (basahin ang artikulo sa http://tongkatali.ph/ang-katotohanan-hinggil-sa-mga-produkto-ng-tongkat-ali-na-ibinibenta-sa-mga-parmasya-sa-pilipinas-guardian-gnc-watsons/ na “Ang Katotohanan Hinggil sa mga Produkto ng Tongkat Ali”). Kapag gusto mong makakuha ng pinakamabuting mangyayaring resulta, hanapin ang mg kapsula ng Tongkat Ali na purong-puro. Ipinapakita ito bilang 1:x, na kung saan ang x ay ang bilang ng mga gramo ng gamot ng Tongkat Ali na ginamit upang makagawa ng 1 gramo ng katas ng Tongkat Ali. Sa madaling salita, ang 1:50 ay nangangahulugang 50-g na ginamit na Tongkat Ali, o 1:200 ay 200-g na ginamit na Tongkat Ali. Ang Tongkat Ali 1:200 ay ang pinaka-puro na mabibili, at talagang pinakamabuting piliin. Kapag ikaw ay interesado sa pinakamabuting piliin, aking lubusang irerekomenda ang Tongkat Ali 1:200 mula sa Herbolab o https://herbolab.com/.


Ang Katotohanan Hinggil sa mga Produkto ng Tongkat Ali na Ibinibenta sa mga Parmasya sa Pilipinas: Guardian, GNC, Watsons

Ang Tongkat Ali ay isang tanyag na pampahusay ng pagkalalaki sa Timog Silangang Asya. Kilalang-kilala rin ito sa Pilipinas, gayunpaman, karamihan sa mga produkto na nakikita mo sa mga estante ay inihalo ang Tongkat Ali sa iba pang mga damong-gamot, at/o hindi kaya, ang dami ng Tongkat Ali ay maaaring napakaliit upang maging epektibo man lang. Hindi ibig sabihin na dahil lang binili mo ito sa Guardian, GNC o Watsons ay mahusay na itong gumana. Kapag napunta ka sa mga botikang ito sa sususunod,  panatilihing sundin itong sumusunod na mga puntos sa isipan: Mag-ingat sa mga Mapaglinlang na Posibilidad Maaari mong maalala ang isang produktong nagngangalang “XP Tongkat Ali Supreme”, na ipinagbawal ng Health Sciences Authority (HSA) at isinapubliko sa ganitong pagpapahayag, http://www.hsa.gov.sg/publish/hsaportal/en/for_public/illegal_health_products/press_releases/20090/hsa_warns_against0.html. Itong produkto ay naglalaman ng tadalafil bilang pangunahing aktibong sangkap at ibinibenta bilang Tongkat Ali. Sa kasalukuyan, maaari kang makabili ng ibang produkto sa parehong kumpanya ng “XP Tongkat Ali Supreme”. Ang isyung ito ay natapos ng naihayag ni Serge Kreutz  sa http://www.singaporesex.org/largertesticles92615.htm na “Bakit Nanganganib ang Singapore para sa Tongkat Ali?”, at hindi ko masasang-ayunan ito ng lubusan. Kahit na mayroon kang lakas ng loob na bumili sa “bagong bersiyon”, binabayaran mo ang tila mataas na presyo nito. Iyan ay ating pag-uusapan sa “Gaano Karaming Tongkat Ali? Iwasan ang Pormulang “Lahat ay Nasa Isa” Higit pang madalas kaysa sa hindi, mga erbal na suplementong pampahusay ng pagkalalaki ay naglalaman ng isang pagkakahalo ng iba't ibang mga sangkap. Bagaman itong mga sangkap ay maaaring may marami o konting ebidensiya para suportahan ang kanilang epekto sa pagpapahusay ng pagkalalaki, ang katotohanan ay wala masyadong ebidensiya ang karamihan sa mga tanyag na mga produkto. Ang Tongkat Ali ay isa sa mga bibihirang produkto na napag-aralan ng mahusay at ang kanyang epekto ay napatunayan na; kaya, mas maiging kumapit dito sa halip na bibili nito na may kasamang mga ibang damong-gamot na maaaring hindi gumana kahit kailan. Gaano Karaming Tongkat Ali? Ang Tongkat Ali ay kinukonsumo bilang katas. Karaniwan, ang katas ay hindi puro. Gayunpaman, mayroong ibang katas ng Tonkat Ali ang nakatuon bilang, 1:50 or 1:200, na ang ibig sabihin ay, 50-g o 200-g ng ugat ng Tongkat Ali ay ginamit upang makabuo ng 1-g ng katapusang produkto. Hindi pa ako nakakakita ng purong katas ng Tongkat Ali sa anumang parmasya sa Pilipinas. Lahat ng mga tatak na nakita ko ay may taglay na mula 20-mg hanggang 200-mg ng Tongkat Ali bawat kapsula (at madalas kasama ang maraming iba pang mga damong-gamot). Sa lahat ng mga produktong aking nasuri, ang isa na may pinakamaraming taglay ng Tongkat Ali ay ang ubod ng sama na “XP Tonkat Ali Xtreme” na may 500-mg ng katas kada kapsula. Sa kasalukuyan, ikaw ay nagbabayad ng PHP1,380.00 para sa 5-g ng katas ng Tongkat Ali (10 kapsula ng tig- 500-mg). Kapag ikukumpara mo ito sa Tongkat Ali ng Herbolab na 1:200, ang mababayaran mo ay PHP3,415.50 para sa 30 gramo ng katas ng Tongkat Ali na 200 beses na puro (100 kapsula ng 300-mg), na kung saan ay katumbas ng 6000-g (6-kg) ng Tongkat Ali. Sa madaling salita, sa konting dagdag na halaga kaysa sa dobleng presyo, makakakuha ka ng 1200 beses pa na sobra ng katas ng Tongkat Ali... at walang panganib sa mga hindi naideklarang mga sangkap na taglay.


Ano ang Dapat Mong Alamin Bago Bibili ng Tongkat Ali

Ang Tongkat Ali ay isang damong-gamot na katutubo sa Indonesia, Malaysia, pati na rin sa karatig nitong rehiyon. Ito ay kasalukuyang hindi ginagawa ng mga malalaking nangangalakal ng mga gamot, kaya ito ay mas madaling napapamahalaan at napapatotohanang nagbibigay ng magandang kalidad ng suplementong pandiyeta.  Tiyak, ang Tongkat Ali ay naging paksa sa mga mapaglinlang na suplementong pangkalusugan at mga patakarang pang-gobiyerno, partikular na ang mga nagmumula sa FDA. Mayroong ilang mga kadahilanan na dapat ukulang pansin ng tao bago bibili ng Tongkat Ali. Sa panimula, dapat maunawaan ng mamimili na ang kapuruhan at kalidad ng produkto ay maaaring lubhang magkaiba. Nakakakinabang na matukoy kung ano mismo ang dapat malaman kapag mamimili para sa partikular na produkto nang masigurong makakuha ng isang pangkalusugang suplemento na gumagana tulad sa pagpapaliwanag nito. Ang kasunod, maraming mga kaugaliang remedyo ang mga Tsino na may isyu sa mga mabibigat na metal, tulad ng asoge at tingga. Ang pagkakaroon ng labis sa dami ng mga ganoong metal sa produkto ay maaaring pagsimulan sa mga hindi inaasahang mga negatibong epekto at mga karamdaman. Kapag ikaw ay seryoso sa paggamit ng Tongkat Ali para sa terapiya ng andropause, kapaki-pakinabang na malaman mo ng tuwiran kung ano ang iyong binibili upang makagawa ng pinakamagaling na desisyon. Kapuruhan at Kalidad Ang kalidad at kapuruhan ay 2 isyu na mahirap malaman sa pamamagitan ng Internet. Dapat kilalanin ng isang tao ang isang tagapagtustos na tumitiyak na ang mga aktibong sangkap sa suplementong pandiyeta ay Tongkat Ali sa katunayan. Hihilingin niya rin na makakasiguro kang makakuha ng isang mahusay na purong kalidad na produkto. Bilang halimbawa, ang nakakabatang bersiyon ng damong-gamot ay hindi nagtataglay ng kasing daming mga aktibong sangkap katulad ng isang mas nakakatandang damong-gamot. Dahil dito, kinakailangan bumili ng produkto na nagsisigurong ang damong-gamot ay inaasahang hindi bababa ng 10 taong gulang. Tanging ito lamang ang talagang maaaring makakatiyak na ikaw ay makakakuha ng epektibong kalidad mula sa pagkonsumo sa produkto. Upang makamit ang pinakamahusay na kalidad, dapat mong hanapin ang mga halaman na talagang nilinang at gumulang sa Indonesia. Ang mga halaman na nagmula sa Malaysia ay madalas na may mataas na taglay ng mga mabibigat na metal, at ito ay maaaring makakapahamak sa pag-inom bilang isang suplementong pangkalusugan. Isang pamamaraan upang matukoy ang kinaugnayang kalidad ng Tongkat Ali ay ang pagsasakatuparan ng isang pagsusuri sa panlasa. Sa katunayan, sa Malaysia, ang mga tao ay may taglay na monitor upang matulungan silang malaman kung ang produkto ay lehitimo at puro. Maaaring subukan ang pulbo mula sa kapsula at isuri kung gaano ito kapait. Ito ay sobrang mapait kapag ito ay puro. Kapag ang pormula na iyong sinusubukan ay hindi gaaanong mapait para matigilan ka ng sandali, mas malamang na ikaw ay mayroong peke o hindi gaanong purong sangkap sa iyong mga kamay. Mga Mabibigat na Metal May iilang bilang ng katas ng Tongkat Ali na may mga matataas na dami ng mga mabibigat na metal na maaaring maging mapanganib para sa iyong kalusugan. Parehong tingga at asoge rin ang katunayang natuklasang may mataas na mga nilalaman sa ilang paghahanda ng mga ganitong suplementong pangkalusugan. Ang asoge ay naging isang isyu sa mahabang panahon sa mga suplementong pandiyetang nagmula sa Malayong Silangan, kaya marapating maging napakaingat sa isyung ito kapag bibili ng Tongkat Ali na nilinang sa mga gawing lokasyong ito. Kasama sa iilang mga tagapagpahiwatig sa akumulasyon ng asoge ay mga bagay tulad ng pagmamanhid sa mga kamay at paa, pagkakawala ng balat at malapulang karungisan sa balat. Kapag iyong gagamitin ang Tongkat Ali kasama ang mabigat na metal na ito, ikaw ay maaaring magsimulang makakakita ng mga ganitong palatandaan na dahan-dahang nagaganap sa paglipas ng panahon. Para sa mga matinding kaso, ikaw ay maaaring bumisita ng manggagamot, gayunpaman ang isyu ay normal nang naayos sa pagwawakas sa produkto. Ang tingga ay isang karagdagang tipikal na isyu sa mga produkto mula sa China, Malaysia at Indonesia, at ito ay talagang natuklasan sa maraming iba't-iba pang mga suplementasyon bukod sa Tongkat Ali. Ikaw ay dapat magarantiya na ang nagbenta sa pinagbilhan mong suplemento ay nangangakong wala ni anumang mga mabibigat na metal ang umiiral. Huwag kang kukuha ng isang suplemento mula sa isang hindi tapat na tagapagtustos o ang pinakamura sa merkado, dahil sa katunayan, ikaw ay maaaring magdulot ng kapahamakan sa iyong sarili. Ang ilan sa mga palatandaan ng akumulasyon ng tingga ay binubuo ng mga problema sa pagtulog, mga guni-guni, panginginig at pagkalito. Gayunpaman, ang akumulasyon ng tingga ay karaniwang banayad, at madalas na maaaring magkakaroon ka ng mataas na dami ng walang mga palatandaan. Dahil dito, mahalagang maghanap ng isang produktong kumpirmadong walang mga mabibigat na metal. Mapaglinlang na mga Produkto at Pambansang Pagbabawal Napakaraming mga pekeng produkto ang gayon din namang inaalok sa Internet, at ang mamimili ay kailangang maging konting mapamatyag sa ganitong pag-aalala. Ang ilang mga produkto sa pagpapabuti ng libido na nagdedeklarang sila ay Tongkat Ali ay talagang mga kopya ng Viagra na labag sa batas o mga gamot na nagpakitang mapanganib para sa paggamit ng tao. Kabilang sa mga pinakamahuhusay na paraan upang malaman kung mayroon kang isang pekeng produkto ay ang ehemplong pagsusuri, gayunpaman nakakatulong na maging pamilyar muna ng matagal sa situwasyon bago ang pagbili ng produkto. Dapat kang maging matatag sa pag-giit sa kumpirmasyon ng pagkakakilanlan ng produkto. Bagaman ikaw ay bihirang may ipagbunyi tungkol sa isang suplementong pangkalusugan bilang isang gamot, karaniwan ay makukuha mo ang kalidad na pinagbayaran mo. Dahil mayroong maraming isyu sa pagbebenta ng Tongkat Ali, napakaraming mga ahensiya ng pamahalaan ang sa katunayang nagbabawal sa pagbenta ng produkto sa kanilang mga rehiyon. Ang FDA ay katunayang nagbabawal ng higit sa 30 produkto na talagang nagdeklara bilang suplemento ang Tongkat Ali. Marami sa mga ito ay natuklasang maging mapaglinlang o binubuo ng mga malakihang dami ng mga mabibigat na metal. Nakakalunos isipin na ang ilan nitong mga negosyo ay pinalitan lamang ang kanilang mga pangalan sa pangangalakal at patuloy na nagaalok sa produkto ng walang humpay. Kinakailangan pa ng FDA ng mas mahabang panahon upang maisara ang negosyo at produktong sumusulpot at ito ay naging paraan kung paano sila nagkaroon ng kakayahang iwasan ang mga pagbabawal. Katulad ng anumang gamot, suplemento, bitamina o likas na damong-gamot, ang tagapamili ay maging maingat at gumawa ng mga hakbang upang matiyak na ang produkto ay hindi nakakapinsala.


Impormasyon sa Tongkat Ali

Ang Tongkat Ali ay isang likas na damong-gamot na talagang nasubukan na ng mga siglo ng kaugaliang panggagamot ng mga Tsino. Nagmumula ito sa Indonesia pati na rin sa Malaysia, at higit sa lahat ito ay ginagamit bilang isang panlalaking suplemento sa pagpapahusay ng diyeta, bagaman ito ay may iba't-iba pang mga aplikasyon. Ipinapakita sa iba’t-ibang mga natupad ng mga medikal na pagsusulit sa mga daga, na ang Tongkat Ali ay nakakapagpataas ng mga antas ng testosterone at ang mga kasalukuyang pananaliksik sa paggamot sa mga tao ay nakumpirma rin na ang Tongkat Ali ay nagtataglay ng mga katangiang pampataas ng kalidad ng testosterone. Ang lahat ng mga pananaliksik na ito ay nagpakita kung paano itinataas ng Tongkat Ali ang libidong sekswal at gayundin sa pagtatayo’t paninigas ng pagkalalaki. Pag-aaral sa Paggamot: Madepektong Sekswal Isang pananaliksik na inilabas sa Asian Journal ng Andrology ay purong nakatuon sa kung paano itong pangkalusugang suplemento ay maaaring makapagpahusay sa mga tiyak na palatandaan ng pagkamabungahin ng kalalakihan. Isinaliksik nito ang mga dami ng punlay, mga kapuruhan ng semilya, porma’t istruktura ng semilya at kilos ng semilya sa mga lalaking nagkakaroon ng hindi nakikilalang dahilan ng pagkabaog. Itong mga tao ay nakapagkonsumo ng 200-milligrams nitong katas araw-araw at sumailalim sa kada 3 buwanang pagsusuri ng punlay sa loob ng kabuuang 9 na buwan. Natuklasan nito na ang mga taong nagkaroon ng karanasan sa likas na damong-gamot ay may malaking pagtaas sa mga tinutukoy na pag-aaral sa semilya, at sa katunayan ay bumuo ng labing-isang kusang pagpupunlay. Isang karagdagang pananaliksik ang inilabas noong 2012 sa artikulong Andrologia, at ito’y nakatuon sa pagtaas ng testosterone na ipinalilitaw ng Tongkat Ali. Ang mga taong sinaliksik sa artikulong ito ay nakikipaglaban sa huling pasimula ng hypogonadism, at ang mga taong ito ay gumamit araw-araw sa loob ng 30 araw ng 200-milligrams ng Tongkat Ali na itinunaw sa tubig. Natuklasan nito na pagkatapos lamang ng tagal ng pagsubok, ang mga palatandaan para sa hypogonadism ay bumaba, at ang dami ng testosterone sa dugo ay nadagdagan na. Ito’y nakatulong sa mga kalalakihan na nagkaroon ng pagbabawas sa antas ng testosterone na makamit ang regular na mga antas sa pagtatapos ng kabuuang pagsusuri. Sa kung saan talaga ibinunyag ng Tongkat Ali ang pinakamahusay nitong hinaharap ay sa mga pananaliksik sa daga.  Isang pananaliksik ang inilabas sa Experimental Animals noong 2000 ang paggamit sa likas na damong-gamot sa mga kinapon at walang karanasang sekswal na mga kalalakihang daga. Sila ay binigyan ng 200-, 400- at 800-milligrams na dosis ng Tongkat Ali kada isang kg ng timbang ng katawan. Natuklasan nito na ang mga daga ay nagsiwalat ng pag-aasa sa dosis sa pagpapahusay ng katungkulang sekswal, gayunpaman ito’y hindi kasing husay sa pagtuturok lamang ng testosterone sa mga daga. Habang ang likas na damong-gamot ay nagpakitang nakakatulong, ito ay hindi kasing husay sa mas epektibong terapiya ng simpleng pagbibigay ng nawawalang hormon. Isang karagdagang pananaliksik sa Journal of Ethnopharmacology ay nagbunyag na ang may mas malalaking mga antas ng Tongkat Ali ay maaaring makapagpahusay ng mga tiyak na kaugaliang sekswal ng mga dating baog na daga. Yaong mga daga ay itinuturing hindi aktibo sa pagtatalik, at sila ay siguradong hindi kasing agresibo sa iba pang mga daga. Natuklasan nito na ang mga indibiduwal na nagkakaroon ng pagtataas sa dami ng Tongkat Ali ay nagsiwalat ng kahusayan sa mga sukatang sekswal, tulad ng mga ugaling pagpatong at mga parametrong pagpapalabas na panlalaki. Ang pananaliksik ay nagbunyag na pinaghusay ang kahusayan ng mga kalalakihang daga na hindi aktibo sa pagtatalik, gayunpaman hindi ito napahusay ang kanilang paglalahok sa pagtatalik. Mga Pananaliksik sa Paggamot: Pagpapadagdag ng Kalamnang Kabigatan Kabilang sa mga karaniwang aplikasyon ng Tongkat Ali ay ang pagpapadagdag ng kalamnang kabigatan. Dahil ito’y nakakatulong upang makagawa ng pinaghusay na testosterone, ito’y napaka-angkop sa ganitong paggamit.  Isang pananaliksik na inilabas sa British Journal ng Sports Medicine noong 2003 ay nag-obserba ng 14 na malulusog na kalalakihan habang sila ay sumabak sa isang lakbayang ehersisyong programa. Ang 7 ay inalok ng 100-milligrams ng Tongkat Ali araw-araw, at ang karagdagang 7 ay inalok ng  placebo. Sa pagtatapos ng kahabaan ng pagtatasa, natuklasan nito na ang mga taong mayroong suplemento ay nadagdagan na ang kabigatan sa kalamnan, bumaba na ang taba sa katawan at napahusay na ang lakas at laki ng kalamnan.


Andropause at Tongkat Ali

Ang bawat tao'y may alam tungkol sa menopos sa babae. Ito ay isang kinikilalang panahon sa buhay ng isang babae kapag ang kanyang mga obaryo ay hindi na makagawa ng hormong estrogen, at ang mga tiyak na pisikal at sikolohikal na mga palatandaan ay madalas ng nakikita bilang isang kinahinatnan ng pagkawala nitong hormon. Sa iilang mga taon, ilang mga mananaliksik ang nagsabi na pati na rin ang mga kalalakihan ay tumutungo sa isang panahon ng mga pagbabago sa hormon sa kalagitnaan ng buhay. Iniisip nila na ito ay dahil sa pagbaba sa hormong testosterone, at inaangkin nila na ito ay mayroon ding isang pangkat ng mga makikilalang palatandaan. Sa kasamaang palad, hindi lahat ng tao ay sumasang-ayon na ang menopos sa lalaki, na kilala rin bilang andropause, ay isang tunay na kondisyon. Ilang mga manggagamot ang hindi naniniwala na ang pagbawas sa testosterone ay may epekto sa mga kalalakihan, na hindi lahat ng mga kalalakihan ay nawawalan ng hormong ito, at na ito ay hindi isang pangkat na may makikilalang mga sintomas. Para sa kadahilanang ito, ang terapiya sa likuran ng andropause ay seryosong kulang, at maraming mga kalalakihan ang umaasa sa mga likas na damong-gamot at suplemento upang makamit uli ang kanilang libido at lakas. Kahit na ito’y hindi opisyal na kinikilala ng mga konsehong panggagamot, ang andropause ay kasalukuyang kumukuha ng mataas na suporta sa mga panggagamot na komunidad. Sa hinaharap, maaaring mayroon ka ng kakayahan upang gumawa ng terapiyang pamalit ng hormon kagaya ng mga ginagawa ng mga kababaihang nasa menopos. Sa habang panahon, gayunpaman, kakailanganin mong umasa sa mga terapiyang natural, tulad ng Malaysian Ginseng o Tongkat Ali. Ano Nga Ba Talaga Ang Andropause? Ang andropause ay nasisimulan sa pamamagitan ng pagbawas sa testosterone dahil sa pagtanda. Ito rin ay kilala bilang huling pasimula ng hypogonadism at kabawasan ng androgen sa tumatandang lalaki. Maaaring maganap ito ng maaga tulad ng 40, at 2 hanggang 5 porsiyento ng mga kalalakihan sa pangkat ng edad na ito ay nakikitaan ng mga senyales. Mula 50 hanggang 60 na taong gulang, ang mga numero ay mas kagulat-gulat. Itinataya na sa pagitan ng 8 at 40 porsiyento ng mga kalalakihan sa pangkat ng edad na ito ay may andropause. Para sa mga kalalakihang nasa kanilang mga 70s, 34 hanggang 70 porsiyento ay nakakaranas ng kabawasan, at kung ikaw ay nasa iyong mga 80s, 91 porsiyento ng mga kalalakihan ay may ganoong kundisyon. Ito ay inakalang isang karaniwang bahagi ng pagtanda, gayunpaman, inihahayag ng mga kasalukuyang pananaliksik na ang mga paggamot ay maaaring suportahan o baligtarin ang mga tagapagpahiwatig ng andropause. Bilang karagdagan, ang andropause ay mas komplikado dahil sa kanyang kalikasan. Hindi ito palaging nagaganap sa mga kalalakihang may edad 40 pataas, at maaari itong mahayag sa paraan na karaniwang napakamapaglalang na makikilala. Halimbawa, ang pagkahapo ay maaaring pagtabuyan bilang isang karaniwang bahagi ng pagtanda o pagkabalisa sa iyong paraan ng pamumuhay. Ang mga sintomas ay mayroon ding kalikasan na nagsisimula ng dahan-dahan at sa huli ay hahantong sa mga sintomas ng pagbabago sa buhay. Para sa kadahilanang ito, mahalaga na suriin ang mga kalalakihan ng madalasan para sa kanilang mga antas ng testosterone. Mga Palatandaan ng Andropause Dahil ang testosterone ay isang pangkatawang hormon na kasangkot higit sa lahat sa sekswal na tungkulin, maraming mga sintomas ng andropause ay may kaugnayan sa pagtatalik. Una, maaari kang makaranas ng kakulangan ng gana sa pagtatalik, pagkatapos ay maaari mong mapansin na ang kalidad ng pagtatayo’t pagtitigas ng iyong pagkalalaki ay hindi kasing sigla ng dati. Itong mga sintomas ay kadalasang nagaganap sa paglipas ng panahon, at maaaring madali balewalain ang mga ito. Mga pagbabago sa emosyon ay isang karagdagang palatandaan ng sintomas ng andropause. Maaari kang makaranas ng pagkalito, pagkamalimutin at mga problema sa pagtuon. Bilang karagdagan, init ng ulo, depresyon at pagkahapo ay sa halip pawang karaniwan. Ang ilang iba't-iba pang mga palatandaan ay gayon din nama’y umuusbong sa pagkawala ng testosterone. Maaari mong mapansin ang pagbawas sa kabigatan ng kalamnan at kawalan ng lakas. Ang ilang mga kalalakihan ay nakakapansin na nalalagasan sila ng buhok sa katawan o hindi kaya’y tumutubo ito ng hiwa-hiwalay kaysa dati. Sa panloobang katawan, maaari kang mawalan ng isang porsyento ng kabigatan ng iyong buto. Ang kakulangan ng testosterone ay maaaring bumuo ng mahinang mga buto at magresulta ng mabilisang pasimula ng osteoporosis. Bilang karagdagan, ang taba ay nagsisimulang bumuo sa paligid ng mga laman-loob, at ito ay maaaring magdulot ng mga problema sa atay, bato at puso kapag ito’y iniwang hindi napapansin. Terapiya at Tongkat Ali Ang pamantayang paggamot para sa andropause ay ang gamutang pagpapalit ng hormon, bagaman ito ay nagbibigay ng iilang mga sagabal. Una, ang testosterone ay pinakamainam na inilalagay sa balat sa kalaunan ng panahon, at para sa kadahilanang ito, kailangang maibigay ito sa pamamagitan ng isang uri ng tapal sa balat. Para sa ilang mga pasyente, puwersahan ang pagsunod nito. Pangalawa, kapag ikaw ay nagkaroon o magpapagamot para sa prosteyt kanser o kalalakihang tumor sa dibdib, ang paggamot na ito’y hindi para sa iyo. Ang pagtatanggap ng mas maraming hormon ay maaari talagang maging sanhi ng pag-uulit ng mga ganitong uri ng kanser, at ang panganib ng pagtanggap nito ay malala. Ang dalawang katotohanan na ito ang siyang kadalasang nagpapaiwas sa mga kalalakihan na bigyang pansin ang kanilang andropause. Kapag ang iba't-iba pang mga pamamaraan ng terapiya ay hindi matagumpay, maraming kalalakihan ang umaasa sa likas na suplemento, at kabilang sa mga pinakatanyag ay ang Tongkat Ali. Bagama’t ikaw ay nanganganib pa rin sa pagpapalitaw ng kanser sa paggamot na ito, ito ay isang gamot na maaari mong tanggapin sa pamamagitan ng bibig upang mapataas ang dami ng testosterone sa iyong katawan. Makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa iyong mga palatandaan at bumili ng de-kalidad lamang na Tongkat Ali mula sa mga pinagkakatiwalaang pinagkukunan upang gawin itong suplementong mabisa para sa iyo.


Tongkat Ali: Bigyang Kapangyarihan ang Iyong Pagkalalaki

The arrival of Viagra started a renaissance of modern medical aphrodisiacs, however this popular drug isn't really the first male improvement supplement that has been utilized in the long stretch of history. Here we explain what is tongkat ali and how is it used.


Tongkat ali information | super charge your manliness
©2013